Information available in eight ethnic minority language
This webpage in eight ethnic minority languages (i.e. Indonesian, Hindi, Nepali, Punjabi, Tagalog, Thai, Urdu and Vietnamese) contains only selected essential information of the Food and Environmental Hygiene Department (FEHD). You can access the full content in the FEHD website in English, Chinese or Simplified Chinese.
Available ang impormasyon sa walong wika ng etnikong minorya
Ang webpage na ito sa walong wika ng etnikong minorya (i.e. Indonesian, Hindi, Nepali, Punjabi, Tagalog, Thai, Urdu at Vietnamese) ay naglalaman lamang ng mga piling mahahalagang impormasyon ng Food and Environmental Hygiene Department (FEHD). Maa-access mo ang buong nilalaman sa website ng FEHD sa English, Chinese o Simplified Chinese.
Pampublikong Paglilinis
Ang FEHD ay nagbibigay ng mga serbisyo sa pampublikong paglilinis, kabilang ang pagwawalis sa kalye, pagkolekta ng basura sa bahay at iba pang gawaing paglilinis, na isinasagawa ng parehong in-house workforce at contractor cleansing team. Ang Departamento ay nagpapatupad laban sa mga karaniwang paglabag sa kalinisan sa pamamagitan ng pag-iisyu ng fixed penalty notice para sa pagdedeposito ng mga kalat o basura, hindi awtorisadong pagpapaskil ng mga bill o poster, pagbaho ng kalye dahil sa mga dumi ng aso, atbp. Ang mga itinalagang opisyal ng FEHD ay may kapangyarihan na magpatawag sa mga taong gumagawa ng mga paglabag sa kalinisan. Bukod sa pang-araw-araw na aksyong pagpapatupad, isinasagawa ang mga anti-littering raid.
Pagkontrol sa Peste
Ang gawaing pagkontrol sa peste, tulad ng pagkontrol sa mga daga, lamok at iba pang mga arthropod na peste na mahalaga sa kalusugan ng publiko, ay parehong isinasagawa ng FEHD in-house at contractor pest control team. Nilalayon nitong pigilan at kontrolin ang ikinakalat nitong mga sakit. Ang pamamaraan sa pagkontrol ng peste ay napapailalim sa patuloy na pagsusuri upang matiyak ang pagiging epektibo at mabisa nito sa pagkontrol sa mga vectors ng sakit.
Pampublikong Palikuran
Pinamamahalaan ng FEHD ang mga pampublikong palikuran at aqua privie sa buong teritoryo. Upang matiyak na ang mga pampublikong palikuran ay napapanatiling malinis sa lahat ng oras, ang Departamento ay kumuha ng serbisyo ng toilet attendant na serbisyo sa mga lugar na maraming tao araw-araw, na matatagpuan sa mga tourist spot o tumatanggap ng mataas na concern ng mga miyembro ng DC/mga miyembro ng LegCo/pampublikong media, atbp. upang magbigay ng agarang serbisyo sa paglilinis, bilang karagdagan sa regular na paglilinis.
Pampublikong Pamilihan
Namamahala ang FEHD sa buong teritoryo ng mga pampublikong pamilihan at mga pamilihan ng mga lutong pagkain, na may mga stall na nagbebenta ng mga pagkain at ibat-ibang mga damit at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang Departamento ay responsable para sa pamamahala at pangkalahatang kalinisan at mga kondisyon ng hygiene. Isinasagawa din ang mga promosyon sa mga piling pamilihan upang mapabuti ang kapaligiran ng kanilang negosyo.
Hawker Management
Ang FEHD ay responsable sa pangangasiwa at pagkontrol sa mga naglalako sa Hong Kong. Ang mga Hawker Control Team ay ipinadala upang kontrolin ang mga ilegal na paglalako at upang mabawasan ang mga istorbo na dulot ng pangangalakal sa kalye alinman sa pamamagitan ng paglalako o ilegal na pagdagdag ng mga tindahan sa kalye.
Mga Sementeryo at Krematoryo
Ang FEHD ay naglilingkod sa publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo sa cremation at paglilibing ng mga labi at kalansay. Ang Departamento ay nagpapatakbo ng ilang krematoryo, mga pampublikong sementeryo at pampublikong kolumbaryum, at pinangangasiwaan ang pamamahala ng mga pribadong sementeryo.
Bilang karagdagan sa mga tradisyunal na serbisyo sa paglilibing, ang FEHD ay nagtataguyod ng mga environment friendly at sustainable na mga paraan ng pagtabi ng mga abo sa pamamagitan ng paghikayat sa publiko na ikalat ang mga abo ng kanilang mga mahal sa buhay sa Gardens of Remembrance na pinamamahalaan ng Departamento o sa mga itinalagang katubigan sa Hong Kong. Inilunsad ng FEHD ang Green Burial Central Register noong Enero 2019 upang bigyang-daan ang mga miyembro ng publiko na mairehistro nang maaga ang kanilang hiling para sa green burial.
Paglilisensya
Ang FEHD ay ang awtoridad sa paglilisensya para sa mga negosyong pagkain (partikular na mga restawran, pabrika ng pagkain, panaderya, mga tindahan ng sariwang pagkain, mga kantina sa pabrika, mga tindahan ng siu mei at lo mei, mga pabrika ng frozen na confection, pabrika ng gatas, mga cold store, sari-saring tindahan ng pagkain at pagbebenta ng mga pagkaing may restriksyon - kabilang ang pagbebenta sa online ng mga pagkaing may restriksyon), ilang partikular na pangangalakal (partikular na mga lugar ng pampublikong libangan, komersyal na paliguan, pribadong swimming pool, funeral parlor, mga negosyong paglilibing, slaughterhouse at offensive trade) at mga gusaling pang-karaoke sa mga lisensyadong restaurant sa Hong Kong. Ang Departamento ay nagsasagawa ng mga regular na inspeksyon sa mga lisensyado at may permisong lugar upang matiyak na ang mga may hawak ng lisensya at permit ay sumusunod sa mga kinakailangan at kundisyon sa paglilisensya pati na rin sa batas.
Kaligtasan sa Pagkain
Ang Centre for Food Safety ng FEHD ay may pananagutan na tiyakin na ang mga pagkaing available para sa tao ay masustansya, malinis, ligtas at may wastong label; pinangangalagaan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagsusuri at pagkontrol sa mga pagkaing hayop; at pagpapayo sa publiko sa mga hakbang sa pamamahala ng panganib na may kaugnayan sa mga usapin sa pagkain at kalusugan ng publiko.
Pribadong Kolumbaryo
Ang Private Columbaria Affairs Office ng FEHD ay responsable para sa paghawak ng mga bagay na may kaugnayan sa pagpapatupad ng Private Columbaria Ordinance (Cap. 630) at pagbibigay ng executive support sa Private Columbaria Licensing Board. Ang Ordinansa ay nagpapakilala ng iskema ng paglilisensya upang i-regulate ang operasyon ng pribadong kolumbaryo. Sa ilalim ng Ordinansa, ang pagpapatakbo ng isang pribadong kolumbaryo sa Hong Kong ay dapat na saklaw ng isang espisipikong instrumento, gaya ng isang lisensya, isang eksempsyon o isang pansamantalang pagsususpinde ng pananagutan, at tanging ang pribadong kolumbaryo na may lisensya ang maaaring magbenta o bagong labas ng mga nitso .
Nakakaistorbong Kontaminasyon sa Kapaligiran
Ang FEHD ay umaaksyon sa nakakaistorbong kontaminasyon sa kapaligiran, gaya ng mga resulta pagtagas ng tubig, pagpatak ng mga air-conditioner at akumulasyon ng mga basura, sa pamamagitan ng pag-isyu ng mga advisory letter at legal na Nuisance Notices upang matiyak na mabawasan ito.
Ang Departamento ay nag-set up ng Joint Offices sa Buildings Department (BD) upang magbigay ng 'one-stop' na serbisyo sa pagharap sa mga ulat ng pagtagas ng tubig sa mga gusali at pagtukoy sa pinagmulan ng tagas sa pamamagitan ng sistematikong imbestigasyon. Ang team na gumagawa nito sa Joint Office ay may legal na awtoridad at may kadalubhasaan sa pag-survey ng gusali ng BD, na tumutulong na mapabilis ang imbestigasyon at pagtukoy sa mga pinagmumulan ng mga problema sa pagtagas ng tubig.